WAHM Reflections

REALTALK: Kasalanan ba ang Mangutang?

Ang topic na pera dito sa atin ang medyo “taboo” o hindi masyadong pinag-uusapan ng marami. Parang na-o-awkward ang iba pag nag-uusap tungkol dito. Isa dapat ito sa mga topics na kampante tayong pinag-uusapan kasi maraming aspects ng buhay natin na kailangan natin ‘to. Bilang kristyano, nararapat na maintindihan natin kung ano ang nakasaad sa bibliya tungkol sa pangungutang. Bago ako magpatuloy sa usaping ito, nais kong sabihin na kami ay lumaking hirap sa buhay, at maraming beses na kinailangang mangutang ng aking mga magulang para lang matustusan ang aming pangangailangan sa araw-araw.

Maging hanggang ngayon, hindi parin maiiwasan ang pangungutang. Itong post na ito ay para sa ating lahat. Ayon sa aking nabasa, may dalawang uri ng utang:

1. Good debts
Ang tinatawag na “good debts” ay mga utang na ginagamit upang lumago. Halimbawa, ang mortgage o housing loan ay isang uri ng good debt. Kahit na ito ay kailangang bayaran ng long term, dahil paunti unti lang ang bayad mo dito, ang natitira mong pera ay maaari mong gamitin para sa emergency at investments.

2. Bad debts
Ang bad debts ay ang mga utang na ginagamit natin para sa mga bagay na tinatawag na “wants” o mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan.

Paalala: ang blog post na ito ay hindi ko sinulat upang sabihin sa’yo na mali na nangungutang ka. Dahil ako man, may mga pagkakataon na kinailangan ding mangutang. Ang gusto ko lang ishare ay ang mga nabasa ko sa bibliya tungkol sa pangungutang. πŸ™‚

1. Ecclesiastes 5:5 Better not to vow than to vow and not pay.(NKJV)

2. Psalm 37:21 “The wicked borrows and does not repay, but the righteous shows mercy and gives.” (NKJV) 

3. Romans 13:8 “Owe no one anything except to love one another, for he who loves another has fulfilled the law.” (NKJV)

Ang mga verses sa taas ay ilan lang sa mga nakasulat sa bibliya tungkol sa utang. Ito ang kailangan nating isipin:

Hindi sinasabi sa bibliya na kasalanan ang mangutang. Although ang Romans 13:8 ay madalas na ginagamit upang sabihin na kasalanan ang pangungutang, mas tumutukoy ito tungkol sa pakikipagrelasyon natin sa kapwa. Maraming mga panahon na hindi natin maiiwasang mangutang. Ang medical emergencies, pagkawala ng trabaho at pagkalugi – mga unexpected na pangyayari sa buhay natin ang madalas na dahilan kung bakit tayo nangungutang. 

So, kailan nagiging masama ang pangungutang? Marami tayong mag-aagree na nagiging kasalanan lang ito kung hindi na natin binabayaran ang utang natin. Bakit? Nung nangutang tayo, nangako tayong babayaran natin ang utang natin. So sa oras na ‘di natin nabayaran ito, unang una, hindi tayo tumupad sa pinangako natin na nung nangutang pa lang tayo, parang sure na sure pa tayo na mababayaran talaga.

Pangalawa, kung ang utang ay hindi nabayaran, parang ginagamit natin ang pinaghirapan ng ibang tao para sa sarili nating kapakanan. Hindi ba’t panlalamang na sa kapwa ang tawag doon? Ang hiniram natin ay hindi naman nila napulot lang kung saan-saan. Ito ay kapalit din ng ilang oras (o araw) na pagtatrabaho.

Walang masama sa pangungutang kung binabayaran naman natin ito. Nagiging masama nalang sya kung hindi na natin ginawa ang responsibilidad nating maibalik sa nahiraman natin ang ating nautang na halaga. Ang mas mahirap pa, may iba na sya ng nanghiram, sya pa ang galit kapag sinisingil. Wag naman po sana, ang gusto lang din naman ng nahiraman natin ay maibalik ang pera na unang una ay kanila talaga – na isinakripisyo nila nung panahong pinautang nila tayo.

Kaya hindi natin masisisi ang ibang tao kung bakit ayaw na nilang magpautang – marahil ay nadala na sila. Mas ok pa na binayaran ng paunti unti ang pagkakautang kaysa sa bigla nalang nag-“ninja” moves – di na nagparamdam, di na nagrereply, minsan nambablock pa.

Mahirap ang buhay. Karamihan sa atin nagsusurvive sa pamamagitan ng tinatawag na “paycheck to paycheck”. Kaya pag nagipit, talagang walang choice kundi ang manghiram or mangutang. Inuulit ko, wala pong masama doon. Nagkakaroon lang po ng problema kung panahon na ng bayaran at hindi natin tinupad ang ating ipinangako. Kung hindi man mabayaran on time, sana ay ugaliin nating mag-abiso sa nautangan.

Additional info. Source: Electic Site

0 Replies to “REALTALK: Kasalanan ba ang Mangutang?”

  1. Wala naman masama sa utang basta marunong magbayad. Kaso yun nga nakakadala yung mga nanghihiram na hindi naman nagbabayad. Nakakasira ng relasyon at tiwala yung mga ganun.

  2. Agree ako dito. May mga instances talaga na kelangan mangutang eh pero siguraduhin lang na para sa needs talaga at hindi dahil sa "wants" lang. At syempre, dapat magbayad talaga.

  3. When you know you are capable of paying and you have in mind that you are going to pay, then I think it's okay. Especially if you are going to use it for an investment or something that can earn. Ang mahirap pag basta utang tapos hindi nililista kung magkano…lagot na…kalimutan na yon…hahaha
    I personally let other people borrow, but In my mind iniisip ko kalimutan na para hindi na ako mahurt..hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *